"medyo may katagalan na din ako ng maggawa ko yun sa sarili ko, nailagay sa isang pangyayari na wala ng atrasan... nalagay ko ang sarili ko sa isang bagay na alam ko naman talagang pagdadaanan at kakailanganin ko... kaso napaaga ako... at ngayon ay parang mandadaraya na ako para lang makuha yun"
Minsan ba naisip mo ng mamasyal sa malayong lugar? malayong malayo para man lang maramdaman mo na wala ka muna sa mundo mong bitter-bitteran ka? diba oo? hayup kasi madalas naman ako nagaabot ng kamay ng tulong sa mga humihingi ng tulong sa akin, pero yung simpleng magtanong man lang kung ako ba may problema wala eh.. kailangan ko munang idaan sa madramang murahan bago pa sila magrereact na "pare di ko alam". ang labo din kasi ng utak ko eh... kung kailan nag aalok na sila ng "ano nangyari? anong problema?" ang nababanggit ko na lang ay "wag mo na alamin, kasi di ko din sasabihin" oo wala akong plano magsabi... naging ganyan na ako kasi napabayaan na ako sa tagal sa kakahila paloob ng mga nararamdaman ko... di na ako masaya magisa.... nakikita mo lang sila araw araw na napapatawa mo ay nakakairita na kasi di ka naman talaga nila iniintindi... ang alam lang nila ay... andyan ka... nakahandang magmukang gago para lang mabuo araw nila... tingin mo ba? kaibigan pa ba ako? o isang parti ng araw mo na di mo dapat intindihin... bihira lang talaga ako magkaroon ng makakasama para sumeryoso sa akin... kailangan ko talaga ng kakausap sa akin... kaso... wala talagang may paki sa akin..... bakit ba kamo? ito ang ilan sa mga ispekulasyon ko: (at oo dawit mga close friends ko dito)
a.) wala silang paki kasi alam nilang good in nature ako... di kayang manakit ng sobra, di kayang gumawa ng karanasan ng pasadya... mapagbigay sa oras panahon at tulong, at walang plano gumawa ng pasya para magtampo ka sa akin.
b.) wala silang paki kasi alam nila madali akong daanin sa mga bagay na maliliit at pawang panandaliang mga bagay lang... (hayaan mong ipaglaban ko kung bakit ko naiisip to... may mga panahon kasi na dinadaan ko na lang sa lakad, kain, tulog, alak, papahangin at tambay ang mga bagay... madali ako makalma para lang makapagisip ng matino... pero hindi para madaan sa uto, in other words dinadaan ko na lang lagi sa tawa... para di maging big deal ang mga BIG deal)
c.) wala akong kwentang kausap, taga pakinig lang ang position ko lagi... MAGALING na tagapakinig (ito din putangina.... bakit ba story nyo lagi ang dapat natin pagusapan?, wala bang ako man lang? puta kasi kapag dadaanin na natin sa story ko putangina laging childish ang tingin nyo eh... putangina)
d.) di ako malakas magemote... (kala mo lang!... madami din akong iniisip... pwede ba total sama sama naman tayong ginawa ng diyos, at sama sama din tayong bida... pwede ba kahit minsan ikaw naman ang supporting at ako naman ang bida? laging ikaw eh)
e.) (at ito all time favorite kong pagmunimunihan.. Wala silang pakialam kasi.. di ka naman talaga tunay na kaibigan.. oo ito na kasi ang pinakapwede rason ng lahat... napagtimbangan ka kasama ng iba... nagkataon lang na mas interesting yung iba... at ikaw? tuwing wala lang mapagtripan....
may mga panahon na din ako na bumubulong sa hangin, nagpapahalata.. nagpapakadesperado sa attention na kailangan ko... kaso ano nga ba tawag sa mga ganyan?? dakilang papansin? dakilang kupal na gagawa ng mga katarantaduhan para makapuslit ng attention? di ba yun ang kadalasang tawag dun? ang tanong eh.. gusto ko ba yun?? hinde... sino ba gustong mabansagan ng mga ganyan? wala naman... sira na ako... at lalo na akong nasisira sa tagal ng hinahanap ko... sa sobrang tagal di ko na nga matandaan bakit nga ba ako ganito? baka gutom lang to... tangina gusto ko ng fishball...