BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS »

Wednesday, October 12, 2011

munimuni

"naisip mo na bang sumigaw sa loob ng iyong pagiisip na parang sigaw sa mga rakenrol na pinakikinggan mo araw araw o paminsan minsa? yung bang ang habol mo ay yung hagod na kikirot sa lalamunan mo at wala ng ibang mas magpapagaan pa ng loob mo kundi yun? oo yun nga at yun ang pakiramdam ko ngayon."


Sa buong buhay ko na lang lagi ako nabibigo, at ako nga talaga ang may sala nito... di ang diyos di ang mga tao sa paligid ko, hindi yung punyetang yero sa bubung na nagiingay kapag may ulan, lalong di yung bitter lagi na tindero/tindera sa mga tindahan dito sa amin... ako lang at ako lang ang may sala. sa exams lagi akong olats.. pangako at mga hamon? laging talunan (pwera kung sobrang sigurado na panalo ako) sa dami ng gusto ko sabihin di ko tuloy matukoy kung paano ko siya ipaparating... gusto ko na din subukan ito ng paraan pero madami din talagang makitid na utak ang sadyang lalapit sa iyo at maangengealam... di hamak naman na alam ko ang iniisip ko at balak kong gawinm di ko lang talaga gusto muna magisip magisa habang may kasama, hindi yung may isasama ako tapos magbibigay ng payo... hay nako..,

pero di na kita papaliguy liguyin pa... tungkol to sa pagmamahal ko at di tulad ng iba sasabihin ko bitter ako.. pero mas iba ang kantang gagawin natin para di ka mairita masyado sa kaasiman na gagawin ko.. handa ka na? kuha ka muna ng kantang magpapakuha sa iyo ng mood... (preferably yung mga kantang pang hopeless romantic).


Malabo silang tao.. unfair, pero sa kabila nun parang yun ata ang tipo kong babae... madalas sa kabardahan ko ang hanap eh babaeng makinis ang balat, mabango, di balahura, may mabangong buhok, magandang ngiti at kakaibang bahagi na nagpapangibabaw sa madaming tao.. wala kaming tipo sa maganda na ang tipo namin halos puro yung mga may potential maging maganda. kaya lang naman talaga namin mas napapansin ang mga ganitong klase ng babae kasi sa palagay lang namin na blanko pa ang buhay nila at pwede namin sila tulungan ito sa pagkulay kasama na buhay namin... lahat sila halos may ganung babae sa buhay.. may mga masayang bahagi at meron din namang masamang bahagi pero kahit di man yun kasama sa pinaplano nilang buhay pagibig.. meron pa din silang sinunod dun sa gusto nila... at yun ay ang pagkakaroon ng kasama. naisip ko to ng maglakad ako mula sa dating ortaleza sa tramo nichols papuntang mrt taft... madaming magkakakasama... magirog na, magasawa, bagong gelpren at boypren, mga nagliligawan at mga MU. malamang ako hindi dumaan sa ganyan.. at nagdududa na talaga ako sa itsura ko...

nakakainggit talaga ang mga nagkakaroon.. kaya ko naman talaga kung mapupunta ako sa babaeng di ko tipo... oo tama ka babaeng hindi ko naman talaga gusto, pero di ko siya ginagawa kasi di naman ako para manakit ng tao... pero sa kabila nun di na ako marunong manligaw... di naman sila pangit... sadyang mahilig lang ako sa mga babaeng malabo ang pagiisip... mga tipong may sariling mundong pinaiiral na ibang iba ang pananaw sa mundo hinahalikan ang bawat umagang makuha nila o kung di naman malayang babae di mo basta basta maiintindihan parang talagang retarded gawa ng mga sobrang cute nilang gawi. sadyang mahirap na silang hanapin ngayon kasi bukod sa description na gusto kong meron sila, meron pa din dapat silang ganda at kabaitan... kasi kung di ko idadagdag yung ganda edi sana nakipagdate na lang ako sa mga tao ng mental hospital diba?

sa totoo lang gusto ko na talagang magmahal... mga tipong itetext mo gabi gabi na may mga padawit na animo'y kabulastugan bago matulog. mga tawag na tawanan at basagan ng trip... mga tawag na sobrang importante, mga usap na magyayabangan na walang humpay pero alam nyong dalawa na halos buong buwan na kayo magkasama.. namimiss ko yung may tatawag sa akin bukod sa totoo kong pangalan na magpapataas ng balahibo ko, mga banat na mag papatawa sa akin sa oras ng kalungkutan at kadramahan, at syempre sangkaterbang pabor na iaalok sayo pero alam mong di ka naman talaga makaktanggi. sobrang namimiss ko na yung ganun... tsaka yung mga walang okasyong yakap at halik... sankaterbang pagkuha ng litrato sa utak para lang tandaan ang mga moments sa kung san san... (hanep diba?) kaso wala wala ng ganun sa akin...

kaya sa halip ng manggulo sa kung anu anung bagay sa mga kabardahan mo at kakilala, manunuod ka na lang... gagaling ka sa pagdescribe kasi sobrang naoobserbahan mo na sila ng paulit ulit... nakikita mo na sa ibang tao ang mga intensyon nila kahit nakangiti sila ng maayos at mukhang pinalaki ng maayos ng kanilang mga magugulang. naiisip mo na lang na kailangan mo lang talaga pagingatan na lang ang iyong sarili, pinalilibutan mo ang iyong sarili na kahit anong bagay na pwedeng magpaiba ng gusto isipin kaysa magpalungkot... sa ibang salita tinatabunan mo na lang ang problema mong walang di mo ginagawan ng solusyon.... maiirita ka na lang sa tagal ng pangyayari ng mga bagay sa buhay mo.. hanggang sa wala... aantukin ka na lang.. mapapagod magdrama, mahahanap ang sarili na parang tanga... nagdadrama di naman sasabihin... titingnan ang cellphone kung maghahanap ng kausap... sa halip... itutulog mo na lang... idadaan sa panaginip...

0 comments: