BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS »

Friday, December 25, 2009

for my friend...

this is for you, and this is what i'm trying to tell kanina, but i was trying to make you try to laugh again kasi these times are kind of rough, let me write things na lang, para mejo mas maiintindihan mo din, i know naman na you always wanted to read, so here read this i made this one for you.

play that thing muna pala hehe..

"kotse"

May mga maliliit na bagay na kinatutuwa ko tungkol sa iyo,
Mga bagay sila na kung minsan kinaiinisan ko din dahil gawa mo,
ibig ko ngayon sana ipaalam ang mga bagay na sana pala ay sinabi ko,
Nagkakamali din kasi ako, nadaanan mo pala ito sana pala nakinig ako sa'yo.
makinig ka sana kasi di ko na uulitin ang mga sinasabi ko.

Kung minsan napapasigaw ako sa harap mo,
di ko kayang itago ang inis at yamot dahil sa pagtatanong mo,
Pero nakakatawang isipin na madali lang pala ang gagawin ko,
sasagutin ko lang pala sila tulad ng ginawa mo noong bata pa ako.
nadidinig mo ba ha? makinig ka dahil para sayo ito.

nakakatuwang isipin na importante ka pala sa akin,
importanteng tulad ko para sa iyo ay lubos pa,
sana talaga ay maunawaan mo itong lahat ng aking dalangin,
dahil kung mauulet pa ito ay sobrang minsan pa.
susubukan kong dasalan ka araw araw ama...
di mo man ako makita dahil nakapikit na ang iyong mata,
di mo man ako maramdaman dahil wala ka na,
di mo man ako marinig dahil malayo ka na,
gusto ko lang sabihin at isigaw... mahal na mahal kita ama.


sorry ha, mejo kung ayaw mo nito buburahin ko agad...

0 comments: