*tama na*
sa pinto ng kotse nakatingin habang dinadaanan ng mga ilaw sa labas,
sa isip naman nakatanga habang bumibilis ang oras,
sa gitna ng madilim na kalye
sa loob ng tumatakbong kotse,
punyeta saan ba ako tatanga?
para lang makalimutan ka.
mahirap pumikit dahil mukha mo nakikita ko,
mahirap tumawag dahil naaawa na ako sa sarili ko,
bakit ba tuwing may tutunog sa telepono,
ipinapanalangin ko na boses mo maririnig na tono.
di ko na gusto ang trip ng puso ko,
puro paawa na di ko naman talaga gusto.
pagbaba sa kotse,
sabay tingin sa bintana ng bahay,
wala ng oras para umatubili,
kumabig sa dibdib naglalantang gulay,
lumabas ka sa pintong nasa harap ko.
sa loobloob ko ang sabi ko "putang ina ko"
pero nandyan ka na..
masaya at tamang ganda..
simple at nakakatuwa.
nakakainis na nakakatawa.
matsatsaga ba kita?
maayos na ulit ang lahat...
sa pinagiisip ng hirap,
at sa dinami-daming magandang alaala.
ang pagiisip ng mga ganito? ewan ko.
mas importante ka tama na.
Wednesday, April 7, 2010
poem shit
Posted by antipara at 8:09 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment